Camp Sawi: “Balang Araw”

“Balang Araw” as Arci a.k.a. Gwen cheers by the end of the movie and for me “pinaka TATAK na line”
Balang Araw,…. (Wisdom you can learn from the movie)

14117695_1255565617809875_880609529048311377_n
1. Hindi na ako magiging sawi, Makaka move on ako. (Time is a great healer).
2. Makakapag tagpo ako ng tao para sa akin (Dadating din yan mga bes, may RIGHT TIME)
3. I’ll be much STRONGER
4. I’ll not be NAIVE and STUPID
5. I’ll be making the RIGHT decisions – may wisdom na ako.
6. Pagtatatwanan ko ang PAST
7. I will not depend my happiness para sa isang lalaki/ babae (Hindi siya buong mundo mo bes, unless mag-asawa na kayo)
8. Hindi ko ibibigay sarili ko ng buong buo, magtitira ako para sa sarili ko
9. Hindi ako AASA and magiging ASSUMERA
10. I will not make a GUY/ GIRL come between us GIRLFRIENDS / BROS
11. I will not settle for less
12. Magiging MASAYA ako
13. Magkakaroon ako ng FOREVER – one day.

IKAW? Balang Araw…………… (write it down)

WATCH TRAILER HERE https://www.facebook.com/krishgeek

You can check my Movie Review for Camp Sawi http://www.krishgeek.com/?p=2172

Plot:

Print

PARA sa lahat ng nagmahal, umasa, pinaasa, nasawi at hirap mag-move on, hatid ng VIVA Films at N2 Productions ang kakaibang istorya ng limang babaing may iba’t ibang karanasan at kasawian sa pag-ibig sa pinakabago nitong handog, ang “CAMP SAWI,” na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula August 24 (National Sawi Day).

bela-4

Ang “CAMP SAWI” ay produksyon ni Bb. Joyce Bernal para VIVA Films at N2, sa panulat at direksyon ni Irene Villamor. Ito ay pinangungunahan ng lima sa pinakamaiinit at pinakainaabangang young actresses ngayon na kinabibilangan nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina at Arci Muñoz. Kasama rin sa cast ang Kapamilya hunk na si Sam Milby at Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Bilang Bridgette (Bela), Jessica (Yassi), Gwen (Arci), Joan (Kim) at Clarisse (Andi), magtatagpo ang landas ng limang bida sa loob ng isang kampo na nilaan para sa mga taong hirap makapag-move on sa heartbreak.

Bank teller si Bridgette, na hiniwalayan ng long-time Chinese boyfriend. Sampung taon sila naging mag-on, pero mas pinili ng lalaki na makasal sa iba kaya naiwang luhaan at umaasa si Bridgette.

Si Jessica naman, isang young perky cheerleader na hinwalayan ng kanyang varsity na boyfriend.

arci-3

Si Gwen, miyembro ng isang banda na kinabibilangan rin ng kanyang boyfriend. Hiniwalayan siya nito dahil ‘di na raw masakyan ng mgaka-grupo nito ang trip niya pati na rin ang sobrang pagka-angas niya.

Si Joan, namatayan ng fiancé matapos itong mag-propose sa kanya.

At panghuli, ang dating actress na si Clarisse, hindi makapag-move on sa pagiging number 2 niya.

Lahat sila, mag-eemote at huhugot ng tapang at lakas mula sa guwapo at batang head coach at resident chef ng Camp Sawi na si Louie (Sam).

“Super fun movie” ang “Camp Sawi” kung i-describe ni Bela.

Kitang-kita naman ang saya nila sa nag-trend na “Limang Bobo” spoof video ng sikat na hugot song ngayon na “Tatlong Bibe.”

Pati ang mga dialogue at payo ng mahadera pero kwelang “Lola,” pinag-uusapan din sa iba’t ibang online sites.

Hirit ni Arci, masaya ang pelikula dahil parang wala pang nagagawang ganitong istorya. Sigurado umano siya na maraming moviegoers ang makaka-relate sa mga pinagdaraanan nila sa movie.

andi-2

“At saka ‘yon yung tipo na, kunwari, mapapanood mo siya, parang gusto mo talaga na magkaroon ng Camp Sawi.

“Marami kasi ang nagiging brokenhearted. Minsan hindi talaga nakakapag-move on kasi napakahirap naman talaga mag-move on.”

yassi-5

Ani Bela, kakaiba ang Camp Sawi dahil naka-focus ito sa mga karanasan ng female characters pagdating sa heartbreak at moving on.

“Feeling ko, first time nating makakakita ng movie na ‘yong chemistry between girls ay hindi kailangang katulad ng pinapanood natin dati — isang girl at isang guy.

“Mas makikita rito ‘yung relationship naman ng mga babae, kung paano sila magtutulungang mag-move on,” dagdag niya.

Super saya raw talaga dahil magkakaibigan naman sila sa totoong buhay kaya dumali ang pagbi-blend ng kanilang mga characters.

 

 

kim-3 sam-2

Kaya, sama na’t maki-emote kina Andi, Bela, Yassi, Kim at Arci para tuluyan nang maka-move on sa pagkasawi dito lang sa “CAMP SAWI”mula sa VIVA Films at N2 Productions, showing na simula sa August 24 (National Sawi Day).

Photos courtesy of Camp Sawi / Viva Films

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *